Krista Ranillo camp mulls legal action against Gina Alajar
Inihayag ng kampo ni Krista Ranillo na hihingi ang pamilya nito ng public apology sa batikang direktor at aktres na si Gina Aljar dahil sa umanoy’ mapanirang isinulat nito sa kanyang profile sa Facebook account.
Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na pinag-aaralan ng abogado ng mga Ranillo ang legal na hakbang laban sa mga nagkakalat umano ng negatibong publisidad kay Krista na nag-uugnay kay Pinoy boxing hero Manny Pacquiao.
Ayon sa abogado ng mga Ranillo na si Atty Tonisito Umali, posibleng matagalan pa sa US si Krista at pamilya nito dahil sa natatanggap na banta sa buhay ng aktres.
“Ang tunay na dahilan (kaya naantala ang pag-uwi) ay may mga bantang natatanggap si Ms Krista Ranillo na hindi puwedeng isawalang bahala. Ito ay dapat na seryosohin, at yun ang pangunahing dahilan kung kaya’t hindi siya makabalik sa ating bansa,” pahayag ni Umali sa Chika Minute
Click here to continue reading


