Kris Bernal denies kissing Carlo Aquino
Headline sa isang tabloid na nakita raw isang madaling-araw na magkasama sina Kris Bernal at Carlo Aquino sa isang sikat na coffee shop sa Commonwealth, Quezon City. At nahuli raw ang dalawa na naghahalikan.
Sabi tuloy ng mga nakakita, si Carlo raw siguro ang talagang boyfriend ni Kris at hindi totoong ka-MU (mutual understanding) niya at ka-love team na si Aljur Abrenica.
Nagkaroon ng chance ang PEP (Philipppine Entertainment Portal) na makausap si Kris nitong Biyernes (September 18) iang pizza house sa Tomas Morato. Tinanong ng PEP si Kris kung totoo ang balita tungkol sa kanila ni Carlo.
“Hindi totoo yun. Hindi kami lumalabas,” pagtanggi ni Kris.
“Magkaibigan kami ni Carlo. Naging close kami nung nagkasama kami sa Dapat Ka Bang Mahalin? Lagi kasi kaming nagkikita sa set kaya naging close kami. Pero ganoon lang,” paliwanag pa niya.
Aminado naman si Kris na may isang time na nagkasama sila ni Carlo sa
Click here to continue reading


