Pauleen Luna admits spending lesser time with Dennis Trillo
Inamin ni Pauleen Luna na hindi na sila masyadong nagkikita ni Dennis Trillo na napapabalitang karelasyon ngayon ng aktres. Pero ano kaya naramdaman ng dalaga nang tawagan siya ng aktor matapos itong maaksidente sa Boracay?
Sa panayam ni entertainement reporter Lhar Santiago, sinabi ni Pauleen na nakatulong sa kanya ang first taping ng kanyang bagong project na Now That I Have You,” sa Tagaytay para hindi masyadong isipin ang nangyaring aksidente kay Dennis.
Labis daw kasing nag-alala ang dalaga nang malaman niya na kamuntik ng malunod ang aktor sa Boracay nang tangayin ito ng malakas na alon.
Nakaligtas si Dennis pero nasawi ang isa niyang kaibigan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
I’m so troubled. Actually, I was the first person he talked too when he got his phone. And then medyo nanginig nga yung tuhod ko siyempre kasi hindi naman biro ang nangyari. I’m glad he’s fine,” pahayag ni Pauleen sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes ng gabi.
Naging maugong sa showbiz na nagkakamabutihan sila ni Dennis dahil sa pinagsamahan nilang romantic/comedy soap na Adik Sa’Yo. Pero dahil matatapos na rin ang programa, ibig bang sabihin na tapos na rin ang espesyal nilang pagtitinginan?
Inamin naman ng dalaga na bihira na silang magkita ng aktor.
Ewan ko, siguro let’s just put it na siguro wala lang kaming masyadong chance na magkasama because of this nga, siya rin po may ginagawang movie,” paliwanag ni Pauleen. – Fidel Jimenez, GMANews.TV













