No topless scenes for Heart Evangelista
Isang surprise birthday lunch ang ibinigay ng production staff ng Dwarfina kay Heart Evangelista sa taping nila sa Concepcion, Marikina, nitong Miyerkules, February 16.
Medyo late na ang birthday celebration dahil wala silang taping nung actual birthday ni Heart last February 14, Valentine’s day.
“Three days po kaming sunud-sunod na nag-taping last week para yung may gustong mag-celebrate ng Valentine’s day, libre sa araw na iyon.
“Kaya po noong birthday ko, relaxed lang ako. Naglinis ako ng bahay… Yun bang ang dami kong gustong linisin, hindi ko magawa dahil wala akong day-off sa trabaho. Kaya sinamantala ko ‘yong two days na walang taping.
“After maglinis ng bahay, nag-grocery na rin ako. Yung mga kulang na gamit at pagkain sa bahay, binili ko,” kuwento ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na dumalaw sa set ng Dwarfina.
Sinamahan ba siya ng boyfriend niyang si Daniel Matsunaga sa paglilinis ng bahay?
“Opo. Hanggang sa paggu-grocery, sinamahan niya ako,” pag-amin ng 26-year-old actress. Read the full story














