Marian Rivera speaks about ’sweetness’ with Dingdong Dantes
Wala pang direktang pag-amin sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung ano talaga ang real score sa kanila. Pero sa birthday party ng dalaga kamakailan, marami ang napansin sa extra sweetness ng dalawa.
Ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas, maraming nakasaksi at nakunan pa ng camera ang ilang ulit na paglalapat ng mga labi nina Marian at Dingdong. Pagpapatunay na kaya ito na sila na talaga?
Nasa lugar naman kung bakit nangyari yung mga pangyayaring yun. Bilang birthday ko yon at binati nya ko, so wala akong nakikitang masama,” paliwanag ni Marian sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
Pero patunay na nga ba ang sweetness na ipinakita ng dalawa para matapos na ang mga espekulasyon na higit sa pagkakaibigan ang kanilang turingan?
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Hindi kami nagdi-deny, wala lang kaming sinasabi. Pero what you see is what you get di ba?,” makahulugang pahayag ng bagong Darna” ng Kapuso Network.
Sa premier night ng pelikula ni Marian na Tarot,” hindi lang pamilya ng aktres ang present. Nandoon din ang ilang malalapit na kamag-nanak ni Dingdong para magbigay ng suporta sa dalaga.
Indikasyon ba ito na tanggap na talaga siya ng pamilya ni Dingdong?
Oo naman kasi sabi nila sa akin gusto nilang manood, so happy ako na nandito sila para suportahan nila ako,” idinagdag ni Marian. - Fidel Jimenez, GMANews.TV


No comments yet.