Marian Rivera on ’selosa’ tag

By admin On November 19, 2010 Under Philippine Islands Entertainment

Very proud si Marian Rivera na sabihing siya ang “lucky charm” ni Dingdong Dantes.

Kabilang sa latest achievements ni Dingdong ang pagkakapili niya bilang Youth Ambassador ng National Commission of Culture and Arts, ang pagkapanalo niya ng Best Drama Actor sa 24th Star Awards for TV, at ang huli ay ang nomination niya as Best Actor sa 15th Asian Television Awards.

“Siyempre, happy ako para sa kanya. O, di ba, simula noong dumating ako sa buhay niya, ako yung lucky charm niya!

“Kasi siya, lucky charm ko rin naman siya, e. Halos lahat nangyayari ng tama, maganda, maraming blessings.

“So, ibig sabihin talaga ay nagkaka-swak kami sa bawat aspeto ng ginagawa namin,” pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang Super Inday and the Golden Bibe noong Lunes, November 15, sa Imperial Palace Suites.

Hindi naman daw nakakaramdam si Marian na parang napag-iiwanan na siya ni Dingdong.

“Bakit ako malulungkot na tumataas siya at dumarami ang achievements, e, lahat naman ng mga ‘yan, ako ang inspirasyon niya para makuha yun? Okay lang po yun.

“Kasi kami naman ni Dingdong, hindi naman po kami nagko-kumpitensiya. Dapat nga po ikatuwa mo na yung partner mo, umaangat. So, dapat maging masaya ka para sa taong mahal mo.

“Kasi ako, pag may achievement din ako, siya ang nauunang natutuwa para sa akin, e. So, ganun lang din ako sa kanya,” saad niya.

NO TAMPUHAN, NO SELOSAN.

Dahil nga kapansin-pansin ang pagiging maayos ng relasyon ni Marian kay Dingdong, naitanong tuloy ng PEP kung kailan sila huling nagkatampuhan ni Dingdong.

“Tampo, sa totoo lang, ang tagal na naming hindi nagtatampuhan ni Dong. Kasi, simula din nang maghiwalay kami sa Endless Love, wala nang dahilan para magtampuhan kami.

“Basta sa tuwing nagkikita kami, ‘Oy, kumusta ka na?’ Okay na okay kami sa isa’t isa. Sabik na sabik kami. Miss na miss namin ang isa’t isa.

“So, wala nang dahilan para magtampuhan pa, sayang yung oras. Love, love na lang,” pahayag niya. Read more..


Add a comment

  • Avatars are handled by Gravatar
  • Comments are being moderated