Jennica Garcia, Sheena Halili are GMA 7s comedy soap leading ladies
![]() |
Para sa nakararami, high school reunions bring back great memories of their glory days, pero para kina Jennica Garcia at Sheena Halili, ibang klaseng memories ang nanunumbalik sa kanila with 'SRO Cinemaserye presents: Reunion.'
Simula sa Huwebes, (Sept 17), babalikan nina Jennica at Sheena ang kanilang high school years, at ang realization na true friends last forever.
After the success of the hilarious but dramatic Rowena Joy, SRO Cinemaserye presents another comedic offering with Reunion.
The plot revolves around two kooky high school pals, Jennica as Chantilly and as Pepper. As best of friends, gumawa ng promise ang dalawa sa isa't isa na ipakikita nila sa mga nang-api sa kanila noon na malayo na ang kanilang nararating sa buhay.
Using their combined wits, Chantilly and Pepper arrive at their high school reunion looking like professional single ladies who are at the top of their game. Gagawa sila ng kung anu-anong kuwento para ipakita sa kanilang mga kaklase na successful na sila ngayon. Ito na rin ang paraan para ma-impress nila ang kanilang mga crush noon na sina Benjo (Mart Escudero) and Angelo (Rainier Castillo).
![]() |
Pero, as with all lies, mabubuking at mabubuking rin sina Chantilly at Pepper. Paano na sila makaliligtas sa problemang pinasok nila?
During the pictorial para sa Reunion, Jennica told us that she's very, very excited.
“I wasn't expecting this na naman,” kuwento ni Jennica. “Gusto ko lang trabaho; hindi ko hinahangad 'yung mga lead role na ganyanbasta na lang siya nabibigay. So sana suportahan n'yo lang kami ni Sheena.”
At siyempre si Sheena din, sobrang excited sa kanyang bagong show!
“Manood po sana kayo ng SRO,” Sheena invites. “Ito po 'yung episode naming dalawa ni Jennica. Comedy po ito. Sigurado pong mapapasaya namin kayo. Gagawin namin 'yung best namin ni Jen, at lahat ng cast, para mapasaya kayo.”
Magsisimula na ang misadventures nina Chantilly at Pepper sa Huwebes ng gabi as SRO Cinemaserye presents Reunion pagkatapos ng Shining Inheritance, only on GMA-7.
Mapapanood din si Sheena sa Rosalinda weeknights on GMA Telebabad, and on Pinoy Records every Saturday. Jennica begins her mutli-episode Dear Friend guest appearance this Sunday. - Jason John S. Lim, iGMA



No comments yet.