It’s hard not to fall for Carla
|
Marami na ang napakilig ng tambalang Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa kanilang telebabad series sa GMA Network na Rosalinda. Very vocal naman ang aktor na malaki ang paghanga niya sa baguhang aktres, and he made it clear kung ano ang tunay na nararamdaman niya para kay Carla.
Sa set ng Rosalinda, Geoff gave an exclusive interview sa iGMA about his true feelings for Carla - ang Pinay Rosalinda.
“She’s a very beautiful lady and it is very hard not to have a crush on her, not to fall for her. She is perfect, actually; I have nothing bad to say about her,” ang pag-amin ni Geoff sa iGMA.
Pero ano ba nga ba ‘yung pinakagusto niyang quality ni Carla at tila nabihag na siya ng dalaga?
“Sobrang dami, actually. Well, work-wise, ‘yun nga, she’s very professional. She’s very easygoing and down-to-earth. Wala din siyang pretensions and she’s very real. Kung ano ‘yung nararamdaman niya, sasabihin niya,” ayon sa binata.
“So that’s one thing I really admire most about her kasi, of course, in this business, maraming plastik, marami ‘yung hindi mo alam kung ‘yun ‘yung totoong sila na ipinapakita nila. From what I am seeing in her, totoo talaga siya,” idinagdag ng Pinoy Fernando Jose.
At ang kanyang nakakakilig na message for Carla?
“You know naman that I’ll always be here for here for you. I promise you that any support that you need, ibibigay ko yun beyond all my one hundred percent. This is a team effort for us and all my support would be for you,” makahulugang tugon ni Geoff.
Kitang-kita naman ang support ni Geoff kay Carla, kaya kahit sa iGMA Live Chat ng dalaga ay sinorpresa pa rin niya ito. - Loretta G. Ramirez, iGMA


No comments yet.