ABS-CBN refutes Willie Revillame’s claims
Mariing pinabulaanan ng ABS-CBN ang ilang mga akusasyon ng TV host-comedian na si Willie Revillame laban sa network. Ito ay kaugnay sa pagkakatanggal ng noontime show ni Willie na Wowowee, na pinagharian din niya ng humigit-kumulang na limang taon sa nasabing network.
Sa isang sulat na nilabas ng ABS-CBN nitong Biyernes, August 20, na ini-report sa TV Patrol at SNN: Showbiz News Ngayon, isinaad ng network na walang katotohanan ang mga pahayag ni Willie na may malinaw na kasunduan na babalik siya sa Wowowee noong July 31, bago pa man matanggal ang naturang palabas sa ere.
Wala raw itong katotohanan dahil ang suspension ni Willie ay hanggang August 24 pa.
Ibinunyag din nito ang mga kondisyon ni Willie sa pagbabalik sa TV show, kasama na nga ang pagpapatanggal sa kanyang mga co-host na sina Mariel Rodriguez at Pokwang, at paghingi ng karampatang suweldo habang siya ay suspendido.
Ang nasabing sulat ay sagot umano sa isang sulat na ipinadala ni Willie kay Mr. Eugenio Lopez, chairman ng ABS-CBN, noong August 9 na nagpapahayag ng mga hinaing ni Willie sa mga nangyari. Read the full story













